Thursday, July 30, 2009

Pilipino, sa mapanghusgang mundo

iba na nga ang takbo ng mundo ngayon. marami na ang naghihirap at marami ang patuloy na nagpapayaman, marami na din ang nagaabuso sa mga taong may busilak na kalooban. bilang nalang sa ating mga daliri ang masasabi nating tapat at mabait halos kabuan ng mundo ay nababalot ng mga masasamang budhi.

madalas tayong nagbibigay ng mga kumento sa mga bagay na kakaiba sa iba partikular na ang ating mga nakikita maaring panget, mas panget at pinakapanget. Maging ako ay aminadong naging mapanghusga din. Ngunit subukan nga nating tanungin ang ating mga sarili bakit nagagawa natin ang ganitong mga bagay. Madalas umiiwas tayo sa ganito kaso pagtalagang may nakikita kang di kanaisnais ang itchura ay agad agad natin itong ikinukwento sa ating mga kaibigan at sabay sabay na pinagtatawanan.

alam natin na nakakasakit ang manghusgam ngunit bakit nga ba natin laging ginagawa? hindi ba alam mo din ang pakiramdam nito, dahil alam ko minsan sa makulay mong buhay ay nahusgahan ka din. hindi ba ang sakit para kanang pinatay sa pamamagitan ng masasakit na salita.

sa peklat, sugat sa mukha, tigyawat at galis nga ba nasusukat ang kagandahan ng isang tao. bakit kadalasang panlabas na anyo lang ang ating nakikita, bakit hindi natin kilalanin ang taong ating hinuhusgahan at tiyak malalaman mo kung gaano kaganda at kabusilak ang kanyang kalooban.

ating tandaan hindi sa taas ng takot o kinang ng ginto na suot mo masusukat ang kagandahan ng isang tao. Ang kagandahan sa loob ay hindi mahirap makita dahil kakaiba ang gandang taglay nito.

No comments: