Saturday, July 25, 2009

adik na nga ba?

Siguro iba ang iniisip mo sa salitang "ADIK". Baggama't marami itong negatibong dahilan ngunit isa lang ang ibig kong sabihin dyan. Na adik na nga ako kay "Bob Ong". Pagkatapos mabasa ang dalawang libro ni Bob Ong(Mac Arthur at Stainless longganisa). Hinahabol na talaga ng sistema ng katawan ko ang pagbabasa ng libro niya, kaya ngayong mismong araw na ito binili ko ang Kapitan sino at Ang Paboritong Libro ni Hudas.

Tangging si Bob Ong lang ang awtor na nakapagpabili sa akin ng libro halos araw araw. Tama!- araw-araw akong bumili ng apat na libro na yan, kaya pati laman ng ATM ko ay wala na. Pero okey lang yun sulit naman.

Gusto kong tapusin agad ang Ang Paboritong Libro ni Hudas ngunit maramipa akong dapat asikasuhin para sa nalalapit na lunes. Akala ko pagkatapos ng isang linggong eksaminasyon ay pasamantalang maisasangtabi ko ang lahat ng tungkol sa eskwelahan, ngunit hindi pala.

naimpluwensyahan na nga talaga ako ni Bob Ong, kagaya ngayon. sa halip na magBlog ako gamit ang ingles ay sinusubukan kong magpakamakata. iba talaga ang impak ni Bob Ong.

Maiba ako, kada nakikita ako ng nanay ko na may bagong hawak na libro agad batid sa akin, "oh? bumili ka na naman? sabi ko magtipid ka. pag ikaw wala ng pamasahe pagpasok mo bahala kang maglakad". Kaya agad akong nagulantang, naubos talaga ang lahat ng ipon ko pati nga laman ng ATM ko. hmmm.. Balak ko pa naman bumili ng libro ni Bob Ong sa martes ngunit baka pagalitan ako pagnalamang bumili ulit ako.

No comments: