Tuesday, July 28, 2009

Bisita sa Dentista


Pumunta ako kahapon sa dentista para magpalinis ng nginpin. Mejo matagal tagal nadin akong hindi nakakapagpalinis, nakakapanhinayang kasi eh. imbis na ipanglinis mo ng ipin e ikain mo nalang,umubra na naman ang pagiging praktikal ko(?)



pagkatapos kong magpalinis ng ipin nagpapasta ako sa bandang bagang hinati hati yung ngipin ko na parang binabarna.(kung makikita sa larawan ay mejo hati ang ngipin ko sa gitna, dahil hanati yun ng dentista dapat daw may espasyo para maayos ang pagkapantaypantay) Mejo sumasakit nadin kasi yun paminsan-minsan at may butas pa daw. At habang tinitignan ng maiigi ang ngipin nadiskubre ng dentista na marami pa akong kailangang ipa-pasta sa kanya.
sinukatan din ako para sa functional alignment(para rin siyang brace pero ang pagkakaiba removable sya.) halos maduwal-duwal ako sa pagsukat nun. Halos isuka ko na ata lahat ng mga nakain ko ng araw na iyon. Pinabalik kami ng dentista ngayon para ikabit na ang nasabing functional alignment. mejo ok lang naman, hindi pa naman nasakit. pero sabi sasakit daw yun. Bahala na dumiskarte pagsumasakit na, hirap din kumain ngayon dahil para kang may suot na mouthpiece yung tipong parang araw-araw kang may laban ng boxing. Next week kailangan ko pang bumalik sa dentista para makita kung may pagbabago.

No comments: