Monday, August 3, 2009

isang patapong telepono.

baksak dito, baksak doon. di mabilang na pagbagsak ng cellphone ko. hanggang sa ngayong araw na ito ay tuluyan na syang nagpaalam..
TAMA! sira na nga ang pinkamamahal kong cellphone!.
isa na naman itong malaking problema. paano na ako makakatangap ng mga importanteng mensahe, kahit minsan ay puro GM lang.

pero importante talaga sa akin ang cellphone kung iyon. kahit karagkarag na sya nitong mga nakaraang araw ay naging parte parin sya ng buhay ko. nakakapanghinayang at wala na sya sa piling ko.
kung tutuusin mabubuhay naman talaga ako ng walang telepono, kaso ang habol ko lang dun ay ang mga importanteng mensaheng maaaring hindi makarating sa akin.

sana mapaayos ko na sya bago pa umabot ng isang lingo. ang hirap talaga ng ganito. ito ang unang pagkakataon na bumigay ang pinakamamahal kong telepono. ikaw,? matutulungan mo ba ako??

No comments: