Thursday, July 23, 2009

Tapos na!


Mahigit isang oras lang at natapos ko na ang libro ni Bob Ong. At tama nga sila, tama nga ang mga bagay na naririnig ko tungkol sa kanya, malawak nga ang kanyang imahinasyon at minumulat niya tayo sa totoong riyalidad.
sa librong ito, maraming aral ang mapupulot, kagaya ng pagmamahal sa pamilya, kaibigan, sarili at iba pa. Napakita din dito ang imahe ng bansang Pilipinas sa kasalukuyan, totoo na marami ang gumagawa ng masama. kagaya ng pagnanakaw, holdap, kidnapping at kung ano-anu pa, baggama't may malalim na dahilan hinggil doon. Mas pipiliin na gumawa ng mga ganitong bagay para mabuhay kaysa mamatay ng dilat ang mata.
dahil din kay Bob Ong sumagi sa isip ko na magBlog gamit ang sarili nating wika.
hindi parin talaga malalagpasan ang talino at galing ng mga pinyo kahit sa anu mang larangan, kagaya ni Bob Ong, isang taong puno ng imahinasyon at walang takot na ipinapamukha sa tao ang riyalidad.

No comments: